Sunday, April 15, 2007

Congrats Pacman!

Nagsimba ako kanina ng alas-12 sa EDSA Shrine. Kapansin-pansin na hindi napuno ang simbahan samantalang dati-rati'y naguumapaw ito kapag ganung oras. Naalala ko na araw pala ito ng laban ni Manny Pacquiao. Nangyari na rin ito dati noong laban ni Pacquiao kay Larios, kaunti rin ang nagsimba habang pinapalabas ang laban. Napansin din ito ng pari at iyon ang pabiro niyang panimula sa kaniyang sermon.

Pagkatapos ng misa ay pumunta ako sa Galleria. Sa gitna ng Food Court ay may libreng pagpapalabas ng laban ni Pacman at maraming taong nakikinuod. Tumayo na rin ako at nanood, sa ika-5 round na ako umabot. Mas masaya pala manood kapag ganoon, ramdam mo ang emosyon ng lahat sa bawa't suntok ni Pacman. Hindi magkamayaw ang saya at ingay ng mga tao noong napatumba na ni Pacman ang kaniyang kalaban sa ika-8 round!

Congrats Pacman! Ang galing mo talagang boksingero!

...si Prospero Pichay nakita kong naglilibot kanina habang idinaraos ang laban, kinakamayan niya ang mga manonood.
...nakita ko pala si Pauleen Luna sa Glorietta kahapon. Ang ganda ng ngiti niya at ang sexy pati. Nage-endorso siya ng PLDT internet.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home