Wednesday, April 11, 2007

TMNT



Napanood ko kanina ang Teenage Mutant Ninja Turtles at okay naman ang palabas. PG ang pelikula dahil sa mga eksenang bayolente at ilang eksenang maaring makatakot sa mga kabataan. Ipinagpapatuloy ng pelikula ang kuwento ng mga "heroes in a half-shell" pagkatapos nilang matalo si Shredder dati. Simple lang ang kuwento at okay naman ang animation ng pelikula. May ilang eksenang nakakatawa at maganda na rin ang aksiyon. Siyempre kasabay ng paglabas ng pelikula ay maraming mga TMNT na gamit ang lumabas sa mga tinhan ng laruan at bukstor.

Magkakamukha ang mga pagong kapag hindi nila suot ang kanilang mga maskara at kapag nakikipaglaban na sila. Pero may kani-kaniyang pagkakaiba at pekularidad ang bawa't pagong:
Si Leonardo ang pinakamatanda at tumatayang pinuno ng grupo. Siya ang naka-asul na maskara at may hawak na dalawang espada. Masunurin siya at malumanay sa pakikitungo sa kaniyang mga kapatid.
Si Raphael ang may pulang maskara at may hawak ng mga sai (ito yung tulad ng mga sandata ni Elektra). Si Raphael ang pagong na pinakamainitin ang ulo at naguumapawa ang kaniyang pagnanais na tumulong at labanan ang mga masasama ang loob.
Si Donatello ang pinaka-matalino sa apat. Siya ang naka-violet na maskara at may hawak ng tungkod o quarterstaff. May pagka-'geek' at pagkahilig si Donatello sa teknolohiya.
Si Michaelangelo ang pinakamakulit sa grupo at gumagamit siya ng dalawang nunchaku. Masayahin at medyo may pagka-mababaw si Michaelangelo, suot ang kaniyang dilaw na maskara.

Si Splinter ang daga na kanilang sensei. Ang mga taong kaibigan nila ay sina April (na ginamitan ng boses ni Sarah Michelle Gellar) at si Casey, magkasintahan silang dalawa at katulong ng mga pagong sa pakikipaglaban sa kasamaan. Sa pagtatapos ng pelikula ay nagpahiwatig na malamang babalik si Shredder bilang katunggali muli ng mga ninjang pagong.

...Mula Robinson's Place Ermita patungong Taft, sa daanang Pedro Gil (dating Herran), ay kapansin-pansin ang marami at nakahilerang nagtitinda ng mga pirated na DVD/VCD/CD, mga gamit pang-celfon, mga kuwintas/tsinelas/pulseras, ay kung anu-ano pa.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home