Friday, March 30, 2007

M&M (Mojo & Maya)

Nakapanood ako kanina ng "It's Marching Time: A Superband Weekend for the Graduates of 2007" sa Glorietta 4 Park kung saan tampok ang Mojofly at Rivermaya. May ticket na kailangan para makaupo sa may tapat ng entablado, at ito'y makukuha mo kung kumain ka sa Glorietta ng mga nakaraang araw. Nagsimula ang konsiyerto lagpas ng 6:30 pm at kakaunti pa lang ang mga nagpupunta kung kaya't pinaupo na rin ang mga nasa paligid ng park.

Naunang lumabas ang Mojofly. Grabe ang kanilang vocalist na si Lougee, 'rocker chick' talaga and dating sa ganda at sa boses! Kumanta sila ng 11 kanta kabilang na ang Tainted Love, 99 Red Baloons, at kanilang mga sariling hit na Mata, Wake Up, at Tumatakbo.

Ang Rivermaya talaga ang pinakakaabangan ng karamihan. Nagsimula sila sa kantang Posible. Sumunod ang Nerbiyoso, Umaaraw Umuulan (na kung saan nagkaroon ng mahabang drum solo), 'Wag Na Init Ulo Baby, Tagumpay, at 241. Bumaba ng entablado si Rico Blanco habang kumakanta ng Babay Na at nakihalubilo sa mga manonood. Kuhang-kuha ng banda ang partisipasyon ng mga manonood bagaman wala naman talagang nagwala sa mga kabataang nandoon. Tinapos nila ang kanilang pagtatanghal sa pagkanta ng kanilang mga sikat na kantang You'll Be Safe Here, Isang Bandila, at Liwanag Sa Dilim.

Naging matagumpay naman ang konsiyerto sa kabuuan at dumami rin ang mga nanood sa kahulihan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home