nostalgia
Pagkagaling ko sa trabaho dumaan ako sa U.P. Diliman. Grabe! Sobrang nostalgic ng pakiramdam... Dadaan sana ako sa dating tambayan namin kaya lang sarado. Ang daming bagong makikita pero marami pa ring walang pinagbago. Iyong amoy ng chempav ganun pa rin. Mas malinis at maganda na ang CR sa PH at PHAN. Ang CASAA ganoon pa rin ang itsura at iyong mga tindahan pareho pa rin. Siyempre kumain ulit ako ng tapsilog sa Rodic's. Alam niyo ba kung anu-anong klaseng silog ang tinitinda nila dun? Mayroong tosilog, friedchixsilog, jumbosilog, hamsilog, spamsilog, beefasadosilog, rellenohiponsilog, bbqsilog, embotidosilog, footlongsilog, bangsilog, porkchopsilog, baconsilog at skinlessilog. Iyong SC ang daming mga computer/internet shop at mga xeroxan. Sa chapel naman iyon crucifix na naiikot, ang nakaharap na ngayon ay ang muling nabuhay na Kristo. Pansin ko rin mas maraming kotse ngayon sa campus. Nakaka-miss talaga ang buhay sa unibersidad. :p
0 Comments:
Post a Comment
<< Home