Monday, May 08, 2006

tedbits ulit...

Kumakain ako kanina sa Jollibee at napansin ko mayroon silang mga bata na tumutulong sa mga gawain dun. Mayroon pala silang "kiddie crew", mga 10 hanggang 12 taong gulang lang yata sila eh. Nakakatuwa silang tignan na kumpleto sa uniporme at naglilibot sa mga kumakain nagtatanong kung gusto nilang bumili ng dessert. Magkano kaya suweldo nila, kung meron man? Ayaw ba nilang maglaro na lang ngayong summer? Kamag-anak kaya iyon ng mga empleyado rin ng Jollibee? Ang alam ko may mga ilang branch ng Jollibee na may "deaf crew", pero sa ngayon isang lugar ko pa lang nakita yung "kiddie crew" nila. Sa tingin ko lang, parang sa edad nilang yun ay mas dapat yatang nakikipaglaro sila kay Jollibee (mascot) imbes na nagsisilbi sila sa Jollibee eh...

Ang Lungsod ng Makati ay nagdiriwang ng ika-336 na taon nito mula nang maitatag. Maraming aktibidades ang nakapila sa buwan ng Mayo patungong Foundation Day sa ika-1 ng Hunyo para sa pagdiriwang na ito...

Isang nakakatawang t-shirt: "Deep Throat" ang nakasulat at may drawing na GIRAFFE sa tabi nito... :)

Napanood ko na ang M:I-3. Bagaman maganda ang mga special effects at mga stunts, hindi kasing ganda iyong kabuuang kuwento sa aking palagay. Ang eksena sa may huli na kung saan parang nabuhay muli si Ethan pagkaraang tumigil ang kanyang puso pagkatapos makuryente ay sobrang hindi kapani-paniwala at lumalabas na katawa-tawa tuloy...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home