Friday, June 30, 2006

S



Superman Returns is a good entertaining movie. It is kind of long, but there are a lot of great action sequences and special effects. The love story between Superman and Lois Lane plays out and they do have chemistry, but the twist is kind of a bit tragic. All the actors were great in their roles and Kate Bosworth is soooooo HOT! The story does not entirely mirror DC continuity, but has connections to the previous Superman movies. I was not impressed with Luthor's crime schemes in this movi, though I found Superman's powers (special effects) cool. 3 1/2 stars.

Monday, June 26, 2006

Scary Movie 4


Having nothing to do, I got to watch Scary Movie 4 just after lunch. The cinema was close to empty because it was still early. Funny thing, there was a time during the movie that I ALMOST got scared (because of this frightening-looking kid in the movie that made me look around and beside me, just in case... hehehe)! Of course i knew the movie is a comedy and not really a horror film, but there really are some suspenseful scenes. All in all, I think the movie is not as funny as the original Scary Movie. It does has it's hilariously funny moments though. The storyline is mostly loosely-based on The War of The Worlds, you'll only be able to appreciate the jokes if you were able to watch that Tom Cruise movie as well as several others (movies like The Saw, M. Night Shayamalan's The Village, Farenheit 9/11, The Grudge, and TV shows like Oprah's interview with Tom Cruise, Dr. Phil, and Shaq's free throw troubles in the NBA to name a few). Anna Faris and Regina King reprise their roles that they played in the previous "scary" movies and render superb performances. My rating: 3 stars. :)

Shirt Stories... again! Here are some things written on shirts (worn by females) that I happen to notice while walking aroung malls...
"I got BRAIN and BEAUTY." -She obviously had neither.
"Looks speak louder than words." -The one who wore this was a looker. :p
"If your cute I'm single." -Who says only men play around?
"It's obvious you want me." -This is sort of like "Stop staring at my chest!" :)

Friday, June 23, 2006

tedbits...

Kung galing kang Makati at papuntang Cubao ay madadaanan mo ang lugar sa Guadalupe-Boni na puno ng mga naglalakihang billboard. Pansin ko lang, isa sa pinaka-walang kuwenta ay ang sa Bayantel sa may Guadalupe overpass. Mayroong litrato ng isang babae na (nakapikit at) may konotasyong sekswal, nakasulat sa kanang bahagi ay "SATISFACTION GUARANTEE". Ano naman kaya kinalaman nun sa telepono at serbisyo ng Bayantel? Ang mga ad na ganito ang nagbibigay ng maling mensahe sa mga kabataan ngayon at nagpapababa sa dignidad ng kababaihan. Dapat dun tanggalin o palitan...

Kumain ako kamakailan sa Sbarro sa Glorietta. Hindi ko maintindihan kung bakit mga kanta ni Eminem ang tinutugtog sa loob ng Sbarro?...

Nanalo ang Miami Heat at itinanghal na 2006 NBA Champions! Si Dwayne Wade ang MVP! Ngayon lang ulit ako nasiyahan sa panonod ng NBA Finals simula ng huling manalo si Jordan ng kampeonato. Ang saya-saya siguro sa Miami ngayon. Naging bisita na nga kaagad ni David Letterman si Wade... :)

Saturday, June 17, 2006

gastos

... Sale sa Fully Booked sa Gateway, at sa Power Books kamakailan lang. Grabe! Ang laki talaga ng matitipid mo kapag 20% ang discount sa mga libro. Kaya tuwing sale na lang ako bumubili eh, kahit na may Power Card ako (na may 10% discount). Atsaka hindi na ako bumibili ng hardcover dahil kadalasan naman lumalabas iyong paperback na kopya pagkaraan ng ilang buwan.
... Ang galing talaga ng teknolohiya ngayon at mapapanood mo ang NBA finals ng LIVE sa iyong sariling bahay habang nangyayari ito mismo sa Miami/ Dallas! Sana manalo ang Miami! :)
... Mayroon pa palang Volume 4 ang Batman TAS. (Akala ko tatlong set lang.) Naglilibot-ibot ako sa Gateway kanina ng makita ko ito sa Musikland. Siyempre alangnan namang may volume 1-3 ako tapos walang volume 4, kaya binili ko na. Buti na lang discounted pa rin yung presyo.
... Kailangan ko na magtipid... :p

Friday, June 16, 2006

Cars


Grabe! Ang galing ng Cars! Sobrang nakakatuwa siya. Bukod sa kakaiba iyong konsepto na puro kotse ang mga karakter sa pelikulang ito, maganda iyong kuwento. Ngayon lang ako nakapanood ng animated film na may suspense,dahil sa mga eksena ng karera`ng kotse. May parte sa pelikulang nakakaantig talaga ng damdamin (may isang babae sa sinehan nga na napabulalas na naiiyak na raw siya noong eksenang iyon). Marami ring mga iba pang eksena na nakakatuwa tulad ng mga hango sa pelikulang "Toy Story", "Monsters Inc", at "A Bug's Life" na sinama nila sa pelikula. Siyempre may aral para sa mga bata na matututunan mula sa pelikula. :-)

Monday, June 12, 2006

Mabuhay!

Ngayon ay ang ika-108 pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas! :)

Wednesday, June 07, 2006

nostalgia

Pagkagaling ko sa trabaho dumaan ako sa U.P. Diliman. Grabe! Sobrang nostalgic ng pakiramdam... Dadaan sana ako sa dating tambayan namin kaya lang sarado. Ang daming bagong makikita pero marami pa ring walang pinagbago. Iyong amoy ng chempav ganun pa rin. Mas malinis at maganda na ang CR sa PH at PHAN. Ang CASAA ganoon pa rin ang itsura at iyong mga tindahan pareho pa rin. Siyempre kumain ulit ako ng tapsilog sa Rodic's. Alam niyo ba kung anu-anong klaseng silog ang tinitinda nila dun? Mayroong tosilog, friedchixsilog, jumbosilog, hamsilog, spamsilog, beefasadosilog, rellenohiponsilog, bbqsilog, embotidosilog, footlongsilog, bangsilog, porkchopsilog, baconsilog at skinlessilog. Iyong SC ang daming mga computer/internet shop at mga xeroxan. Sa chapel naman iyon crucifix na naiikot, ang nakaharap na ngayon ay ang muling nabuhay na Kristo. Pansin ko rin mas maraming kotse ngayon sa campus. Nakaka-miss talaga ang buhay sa unibersidad. :p

Sunday, June 04, 2006

Failure to Launch

Napansin ko lang, ang mga nakaraang posts ko ay puro tungkol sa mga napanood ko na pelikula. Kung mapapansin nyo rin, wala sa alimnang pinanood ko ay pelikulang Pinoy. Hindi naman sa ayaw kong manood ng mga gawa natin, pero kung sa entertainment value lang kasi ay mas lamang ang mga pelikulang gawa sa ibang bansa at mas nage-enjoy ako eh.

Matuturing ko na ring okay ang Failure to Launch. Medyo kulang lang nga sa "chemistry" si Matthew McConaughey at Sarah Jessica Parker, maganda pa rin ang pagkakaganap nila sa kanilang mga karakter. Maraming nakakatuwang eksena sa pelikula, kahit iyong mga parteng may pagka-seryoso ay nalagyan nila ng humor. 3 1/2 stars and rating ko sa pelikulang ito.

Friday, June 02, 2006

The Benchwarmers



Sobrang nakakatawa ng pelikulang ito! Ang galing nina Rob Schneider, David Spade at Jon Heder at bagay na bagay sila sa kani-kanilang mga ginampanan. Hindi lang nga talaga pambata ang pelikula (mayroon itong PG13 na rating) dahil bagaman kapupulutan ng aral ay may mga eksena mayroong sensitibong paksa. Pero bukod doon ay marami talagang beses na di ko mapigilang tumawa habang nanonood nito. Maganda rin ang ending ng pelikula. :D

... ang Bread Talk ay isang bagong dahilan para kumain ng tinapay! :p Masasarap ang kanilang mga gawang tinapay na may iba't-ibang palaman. Ang hindi ko lang gusto ay iyong mayroong mga meat floss na ewan ko ba kung anong nagugustuhan ng ibang tao at bumebenta ito ng malakas. May kamahalan nga laman ang mga paninda nila at halos P40 ang isa. Halos lahat na rin ng mga mall ay mayroon na silang tindahan.