Friday, June 23, 2006

tedbits...

Kung galing kang Makati at papuntang Cubao ay madadaanan mo ang lugar sa Guadalupe-Boni na puno ng mga naglalakihang billboard. Pansin ko lang, isa sa pinaka-walang kuwenta ay ang sa Bayantel sa may Guadalupe overpass. Mayroong litrato ng isang babae na (nakapikit at) may konotasyong sekswal, nakasulat sa kanang bahagi ay "SATISFACTION GUARANTEE". Ano naman kaya kinalaman nun sa telepono at serbisyo ng Bayantel? Ang mga ad na ganito ang nagbibigay ng maling mensahe sa mga kabataan ngayon at nagpapababa sa dignidad ng kababaihan. Dapat dun tanggalin o palitan...

Kumain ako kamakailan sa Sbarro sa Glorietta. Hindi ko maintindihan kung bakit mga kanta ni Eminem ang tinutugtog sa loob ng Sbarro?...

Nanalo ang Miami Heat at itinanghal na 2006 NBA Champions! Si Dwayne Wade ang MVP! Ngayon lang ulit ako nasiyahan sa panonod ng NBA Finals simula ng huling manalo si Jordan ng kampeonato. Ang saya-saya siguro sa Miami ngayon. Naging bisita na nga kaagad ni David Letterman si Wade... :)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home