Golden Bay Restaurant
May meeting ako kanina at idinaos ito sa Golden Bay Restaurant. Ito ay nasa Macapagal Avenue at malapit-lapit na sa Mall of Asia. Medyo malaki/mataas ang building at maluwag ang parking nito. Hindi pa ako nakapunta dito dati at medyo bagu-bago pa ang kainang ito, kung kaya't kumuha ako ng mga litrato (ngunit sa pamamagitan lamang ng aking cellphone kung kaya't pasensiya na sa di-magandang kalidad ng mga ito).
Ang Golden Bay ay isang Chinese restaurant sa disenyo at mga putahe rito. Maluwag sa loob at maraming mga mesa at upuan. Kadalasan ay puno raw ito pag gabi at lalo na pag weekend.
Marami itong iba't-ibang laki ng mesa at mga function room sa dalawang palapag. Sa katunayan nga ay nung patapos na kami kumain ay naghahanda na sila para sa dalawang magkaibang wedding reception at pinapalitan na nila ang mga takip ng mesa ng pula.
Ang mga sumusunod ay kuha nga mga kinain namin doon. Hindi ko alam ang mga eksaktong pangalan ng iba dahil hindi ako ang umorder.
Soup
Beef Balls
Hakaw
Chicken/Pork
Rice
Lapu-lapu
Spare Ribs
Vegeatables/Mushroom
Suahe
Marami rin silang iba't-ibang uri ng maiinom. Meron nga silang Shing Tao beer ngunit hindi ako umorder nito. Masarap at nakakabusog ang mga nakain namin. Ang naging dessert namin ay isang fruit platter. Sulit din naman at hindi kamahalan, sa 10 na kumain ay umabot ng P5000 ang aming bill.
Malinis din ang kanilang CR (ng mga lalaki).
Kung may pagkakataong muli ay gusto kong makabalik doon at tikman ang iba pa nilang makakain. Hindi ko rin kasi masyadong nakita ang menu, naging abala rin kahit papaano sa meeting, at hindi rin nagtagal sa lugar mismo.
...Pauwi ay may nakita akong jeep na ang sabi ay: PRAY HARD. IT'S WORK! :-)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home