Monday, May 14, 2007

Eleksiyon

Labo talaga 'o...
Paano mo masasabi na pinakamapayapa ang eleksiyon ngayon kung di pa tapos ang bilangan ay ang dami ng namatay?! Kainitan pa nga lang ng pamumulitika at dayaan at ngayon pa lang nagsisipasok ang mga balita ng karahasan.
Bolahan na yan eh...
Nakakainis na nga makinig/manood ng balita: mababang bilang ng mga bumoto, mga nalilitong mga botante at nawawalang mga pangalan, bilihan ng boto, naantalang botohan sa ilang mga presinto, mga banta ng karahasan, mga barilan at pagbobomba... dadami pa yang kalokohang iyan sa darating na mga araw!
Siyempre nagbubulag-bulagan/nagbibingi-bingihan ang mga nakaupo.

Isang malaking kagaguhan naman ay ang kaso sa mga boto para kay Alan Cayetano. Kahit sino ba namang nag-iisip na tao ay alam na nuisance na kandidato iyang si Joselito Peter Cayetano... Ang hindi ko lubos maintindihan ay bakit nuong ika-11 ng Mayo lang napagdesisyunan iyan ng Comelec, kung hindi nila talaga sinasadya na ganuon ang gawin?! Tapos inanunsiyo pa ng Comelec na puwede pang mag-apila si Joselito Cayetano at hindi pa pinal at execuory ang desisyon nila hanggang sa ika-16 ng Mayo. Ano ba naman yan? Isang nakakahiyang itong halimbawa ng kapalpakan ng Comelec at maling panggagamit ng batas/instiusyon ng gobyerno para bigyang prublema at guluhin ang kandidatura ni Alan Cayetano.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home