Tikman Ang Langit
Ang Tikman Ang Langit ay isang antolohiya ng mga essay at mga piling ilang litrato tungkol sa Eraserheads. Ito ay binuo nina Melvin Calimag at Jing Garcia, at may panimula ng dating manager ng E-heads na si Robin Rivera. Ang titulo nito ay hango sa isang kanta ng E-heads.
Ang libro ay ini-launch sa Power Books Live sa Greenbelt 3 kanina. Nagbigay ng kaunting talumpati ang mga naging editor. Kumanta ng tatlong kanta (ng E-heads) si Lei Bautista ng Prettier Than Pink. Pagkatapos noon ay si Marcus Adoro (dating lead guitarista ng E-heads) at ang kaniyang banda na Marcus Highway ang kumanta. Huling lumabas ang Cambio na kinabibilangan nina Buddy Zabala (bass) at Raymund Marasigan (drums). Noon huling kanta ng Cambio (Magasin) ay pansamantalang nakihalo si Marcus sa banda, sa laking tuwa ng mga manonood. Parehong magaling ang palabas ng dalawang banda.
Marami-rami rin ang pumunta at nanood/nakinig kanina. Maraming nagpapirma ng kanilang mga nabiling libro sa tatlong dating miyembro ng E-heads. Nagsama-sama ang tatlo para sa pagkuha ng litrato hawak ang libro at sa sobrang dami ng nakikuha ng litrato ay hindi ako nakasingit para makapag-piktyur.
Ang libro ay nangangahalaga ng P180. Tulad ng Ultraelectromagnetic Jam (CD), malamang ay marami ring mga tagahanga ng E-heads ang bibili nito.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home