Thursday, January 11, 2007

Eragon



Napanood ko kanina ang pelikulang Eragon. Sa aking mga dating naisulat ay nasabi ko na na nagustuhan ko ang libro/seryeng ito ni Paolini. Ang kuwento ni Eragon sa pelikula ay ibang-iba at masyadong pina-simple kung kaya't nakakapanghinayang. Malaking pakinabang sa pagiintindi ng pelikula na nabasa ko na ang librong pinagbasehan nito, ngunit lumabas ako ng sinehan na parang nalugi dahil sa hindi naisakatuparan ng pelikula ang lawak, suspens at intriga ng orihinal na kuwento. Marahil sa mga hindi pa nakakabasa ng libro ay maiiwang may maraming katanungan pagkapanood nito.

Bagaman maganda ang sinematograpiya at makapigil-hininga ang ilang eksena, bitin pa rin sa kabuuan ang labas ng pelikula. Naniniwala tuloy ako sa mga rating na ibinigay ng mga kritiko at manonood sa sine na ito (sa Yahoo Movies). Kung hindi nga lang maganda si Sienna Guillory
bilang Arya eh, baka hindi ko na tinapos ang pelikula. :-p

... napansin ko habang nagsisimula ang pelikula na ang Eragon ay anagram ng orange, pero mas hango malamang ito sa "gone era" na nangangahulugang isang kuwento sa panahong nakalipas.
...madalas namang nangyayari na ang pelikula ay ibang-iba sa tunay na libro/kuwento lalung-lalo na iyong mga hango sa nobela, maliban na lamang sa mga pelikulang hango sa mga kuwentong pambata (na madalas ay nagiging makatotoo sa orihinal).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home