MYMP!
Mahilig ako manood ng mga konsiyerto sa mga mall o kaya'y record store. Bukod sa libre at madaling puntahan, kadalasan din ay sa hapon sila nagtatanghal kung kaya't hindi ako ginagabi ng uwi. May pagkakataon ka ring magpa-autograph pagkatapos ng pagtatanghal di tulad pag sa malaking konsiyerto.
Napanood ko ang MYMP sa Robinson's Galleria kanina. Una ko silang napanood dati sa Robinson's Place sa Manila noong kakalabas pa lang ng Versions album nila. Simula noon ay naging tagahanga na ako nila. Ang MYMP ay binubuo nina Juris Fernandez (vocals), Chin Alcantara (gitara), John Angeles (drums), Oja Jimenez (keyboards), Emil Rivas (bass).
Ang "New Horizon" ay ang kanilang ikatlong album at ito ang sumunod sa kanilang 7x-platinum na album "Versions & Beyond". Ito ang kanilang pino-promote ngayon sa mga Robinson's Malls.
Pansin ko lang sa mga pagtatanghal na tulad nito ay hindi talaga ito nagsisimula sa oras na unang inanunsiyo. Kadalasan ay mga 30 min ang dagdag na paghihintay bago papasok ang emcee o deejay at magpapa-raffle o mamimigay muna ng kaunting papremyo. Nagtitinda ang record label on-site at kapag ikaý bumili ay makakaupo ka ng kumportable medyo malapit sa entablado.
Hindi naging iba ang palabas na ito. Si DJ Claudine ng bagong FM station na Heart 103.5 ("Easy listening the way it should be" daw) ang nagpakilala sa MYMP. Okay naman siya bilang emcee, cute din. (Mapakinggan nga minsan ang 103.5...)
Ang unang kinanta nila ay ang sobrang pinasikat nila na "Tell Me Where It Hurts" na kasama sa kanilang ikalawang album.
Ang sumunod dito ay ang mga kanta na kasama na`sa kanilang bagong album. "You Got It All", "So Perfect" (na gawa ni Juris) at "Only Reminds Me Of You". Sobrang ganda talaga ng boses ni Juris!
Kumanta sina Juris ang Chin sa "Nothing's Gonna Stop Us Now".
Ang kanilang huling kanta ay ang "With You" na carrier single ng kanilang bagong album. Ito ay gawa/sulat rin ni Juris. Sobrang sulit ng pagpunta ko sa Galleria at paghihintay para lang mapanood sila!
Pagkatapos ay nagkaroon na ng autograph signing kasama ang lahat ng miyembro ng banda.
Siyempre bumili ako ng CD at nagpapirma rin. Ang CD ay may 13 kanta at nagkakahalaga na P280. Sa totoo lang dati ko pa gusto bumili nito nung bagong labas pa lang siya. Buti na rin lang nakahintay ako, yung kopya ko ngayon may pirma pa. May libreng poster na napapirmahan ko rin. Tangkilikin ang OPM, bumili palagi ng orihinal (na CD) lamang!
Tedbits...
...Congtaulations sa UST Women's Volleyball Team sa kanilang pagiging kampeon sa UAAP! Napanood ko ng live ang Finals sa pagitan nila at ng FEU Lady Tamaraws sa Studio23. Napakatangkad ng kanilang line-up at mahusay silang maglaro.
...Magsisimula na ang Season 2 ng Pinoy Big Bother sa Linggo.
...Tinatapos kong basahin ang The Last Mythal (Forgotten Realms) trilogy ni Richard Baker. Matagal ko nang nabasa dati ang unang libro ngunit nitong nakaraang buwan ko lang nahanap ang ikalawa at ikatlong libro ng seryeng ito.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home