Saturday, December 23, 2006

X-Mas Rush

Grabe ang dami ng tao ngayon sa mga malls! Ang tindi rin ng trapik! Kahit gabing-gabi na ang dami pa ring tao na nasa labas. Halos lahat may bitbit na mga pinamili o kaya'y mga regalo. Karamihan rin naghahabol sa paghahanap ng mga ipanreregalo. Mabuti na lang matagal na akong tapos sa pamimili at naibigay ko na rin halos lahat ng mga regalo ko...

Ang aking paboritong inumin sa ngayon ay ang Peppermint Mocha Light-blended Frappuccino ng Starbucks! Para talagang nalalasap mo ang panahon ng Kapaskuhan sa timpla nito. B-)


Ang University of the East Chorale ay ang tampok na mga mang-aawit sa Glorietta kanina. Tulad ng PNU Chorale ay marami na ring napanalunang gantimpala ang UE Chorale. Kamakailang lamang ay nanalo raw sila ng Grand Prize sa Choir Grand Prix (or something) sa Busan, South Korea. Bagaman sa aking palagay ay mas magaling kumanta ang PNU Chorale, magaling din ang UE chorale lalung-lalo na sa kanilang dynamics.
Kinanta nila ang Joy to the World, Deck the Halls at Jingle Bells. Sumunod ay ang Pater Noster at pagkatapos ay mga kantang mula sa ibang bansa tulad ng Ronda Catonga (galing Uruguay), Rockin' Jerusalem, at Gloria Kenya. Napabilib ako sa kanilang pagkanta ng Pie Jesu, Help at ng And I Love Her (ng Beatles, na maganda ang kanilang pagka-areglo). Ang kantang We Will Rock You at From A Distance ang mga nagpanalo sa kanila sa Busan at dito lumabas ang tunay nilang galing. Ang mga iba pa nilang kinanta ay ang Rain, Kampana ng Simbahan, Kiss the Girl, at Kasadya (ang Bisayang kantang orihinal na pinaghanguan ng Ang Pasko ay Sumapit).

Siyempre pagkatapos ng pagkanta ng choir ay mayroon ulit fireworks display... Ang ganda talaga ng mga fireworks sa Glorietta at Greenbelt!

:-)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home