Wednesday, May 23, 2007

tedbits...

... Habang naglalakad sa Quiapo, dun sa kabila ng simbahan, ang dami palang lantarang nakahilera dun na gumagawa ng diploma at kung anu-anong sertipikeyt. May mga kani-kaniya pa silang 'sampol' na naka-display sa mga karatula. Tatanungin ka nga ng biglaan habang dumadaan ka eh, kung may gusto ka ipagawa...

... parang ganun din sa DFA. Papunta pa lang sa loob ay kung sinu-sino na ang lumalapit at nagtatanong sa iyo kung ano pa ang kailangan o kulang mo. May mga naka-ID din na mukhang empleyado ng DFA na nagbibilin sa mga nagdadaan na makipagugnayan lamang sa loob ng DFA mismo. Kung tatanga-tanga ka talaga, maloloko ka malamang ng kung sinu-sino dun...

... Ang The Arena sa San Juan ay ang kasalukuyang pinagdadausan ng Shakey's V-League. Maganda at malinis ang lugar, at madali ring makapunta dahil may dumadaang bus sa tapat mismo ng lugar. Air-conditioned din ang The Arena kaya hindi ka pagpapawisan habang nanunuod. Yun nga lang, mukhang medyo bumibigay na ang mga upuan sa courtside...

... tungkol sa mga upuan... May mga bagong pabilog at parisukat na mga upuan sa Power Books sa Greenbelt. Mas maraming makakaupo sa mga ito ng magkakatalikod.

... Ang Shrek 3 na laro sa celfone mula sa Gameloft ay hango sa pelikula at isang sulit na pampalipas-oras. Madali rin lang siya laruin.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home