Friday, December 01, 2006

24 araw na lang...

Ika-1 ng Disyembre ngayon... ang lamig kaninang madaling araw pagka-gising ko. Siguro dahil dumadaan nun si Bagyong Reming sa Pilipinas. :-p

Itinayo ko kaninang mag-isa ang aming munting Christmas tree sa bahay. Berdeng puno siya na limang talampakan ang taas. Ang dekorasyon nito ay ribbon, bulaklak, paru-paro, makikintab na bola, at ilaw siyempre. Pangunahing kulay ng mga dekorasyon ay asul at silver, tapos iyong ilaw ay dilaw na halong nakapirming nakasindi at iyong kumukutitap. Inabot siguro ako ng mga dalawang oras para matapos. *<(:-{)}



Malapit na ako matapos sa akimg pamimili ng mga pang-regalo. Mangilan-ngilan na lang ang kulang ko. Magsisimula na ako magbalot sa susunod na linggo. :-)

Napanood ko si Christian Bautista sa Glorietta. Kumanta siya ng ilang piling kanta sa kaniyang bagong album. Magaling din naman siya kumanta. Tuwing Sabado naman ng gabi ay may mga choir na kumakanta sa Glorietta ng mga Christmas carol. Ito ay kasama sa mga aktibidades ng Glorietta bilang pagdiriwang ng nalalapit na Pasko.

Habang namimili kanina sa Music One, nakita ko si LJ Reyes ng ikalawang batch ng Starstruck. Grabe!!! Na-starstruck nga ako! Ang pretty niya at ang sexy din. Hindi ako bumibili ng FHM o Maxim, pero kung si LJ siguro ang nasa cover ay mapapabili ako. :-D

0 Comments:

Post a Comment

<< Home