xmas3
Ang gaganda ng mga Christmas tree sa mga malls. Malalaki, matataas at makukulay. Ang mga kapuna-puna ay iyong sa lobby ng Greenbelt 3, iyong sa gitna ng Gateway Mall, at iyong sa tapat ng Araneta Coliseum sa Cubao. Halos dalawang palapag ang taas nung sa Makati, samantalang halos tatlong palapag naman iyong sa Gateway. Ang pinakamataas iyong sa Araneta. Gawa ito sa bakal at mahigit apat na palapag ang taas. Kitang-kita pa rin nga ito mula sa tren ng MRT. Ang dami nitong mga palamuting bola at ilaw, maliwanag ito pag gabi. Malapit na talaga ang Pasko...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home