kasal
Pumunta ako sa kasal ng kabigan/kaklase ko kanina sa Simbahan ng Mt. Carmel sa New Manila. Hindi ko puwedeng hindi siputin eh, kinuha akong abay (veil). :p Maganda iyong seremonya, simple lamang pero madamdamin. Malaki pala iyong simbahan at maganda rin. Ang salu-salo ay ginawa sa isang function room ng simbahan sa may likod lang nito, kaya napaka-convenient para sa mga nagsidalo. Maayos naman iyong programa habang kumakain, at iyong pagkain ay okay din naman. Masaya dumalo ng mga kasalang ganoon, walang hassle... :)
Nakapunta rin ako kamakailan sa Mall of Asia sa unang pagkakataon. Napakalaki ng lugar at nakakalula maglibot! Napakadali rin siguro mawala doon. Nakapunta ako ng Miyerkules at hindi masyadong maraming tao, di tulad daw pag weekend. Kumain kami sa Good Earth... maganda iyong lugar at masarap din iyong pagkain pero maliit lang iyong serving.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home