Monday, August 28, 2006

random thoughts...

Nakaka-miss ang V-League at volleyball... sarap pala manuod ng live ng mga ganuong laro. Bagaman hindi kasing liliksi at gagaling ng mga international na laro, exciting pa rin ang mga laban. Sana nga magkaroon tayo ng professional na liga para mas sumikat pa ang volleyball sa atin at makapagsanay tayo ng mas marami at magagaling na manlalaro... malay natin baka sa kinabukasan ay maari na tayong sumabak ng husto sa FIVB.

Ang mga magagandang panoorin na isports ngayon sa TV ay ang 2006 World Basketball Championships ng FIBA sa Japan... pinakamagaling na koponan marahil doon ngayon ay ang USA at Argentina na malamang magtatagpo sa Finals sa Sept 3. Ang US (Tennis) Open ay magsisimula na rin at pinakakaabangan ang paglalaro nina Federer, Nadal at Roddick... pati na ang huling paglalaro ni Agassi bago siya magretiro... at laro rin nina Mauresmo, Henin-Hardenne at Sharapova. Si Federer at Mauresmo ay ang mga numero unong seed sa seryeng ito.

Mapunta naman muna tayo sa pagkain...
Kumain kami sa Burgoo sa Power Plant Mall kamakailan... yung burger nila hindi masarap, parang tuyo masyado kaunti lang ang karne, at puro extender... hindi ko tuloy naubos. Iyong porkchop naman nila (na inorder ng kasama ko) lasang sira... inireklamo namin, over-marinated daw sabi ng chef. Paano naman nangyari yun, eh di ibig sabihin matagal na siyang nakababad at luma na iyong karne? Pinalitan naman, yun nga lang medyo hindi maganda iyong karanasan naming iyon kaya hindi muna kami kakain sa Burgoo.

Sa UCC sa Mall of Asia, masarap iyong curry burger nila... medyo may kamahalan nga lang. Sayang at hindi ko natikman ang kape nila. Marami pa silang ibang putahe na mukhang masasarap, mga lutong Hapones.

Ang BBQ Ribs Cheezy Volcano pizza ng Pizza Hut naman ay masarap at puno ng boneless bbq ribs... ang gilid ng pizza ay puno naman ng mozzarella, provolone, at cheddar. Sulit at nakakabusog ito! :)

Book sale pa rin sa Power Books hanggang sa katapusan ng Agosto. Hanggang sa Sept. 17 naman sa National Bookstore. Sobrang laki talaga matitipid mo!

Sa Glorietta kamakailan ay nagtanghal ang Cirque Imago, isang grupo ng mga acrobat mula sa Europa. Umabot ng mahigit 30 minuto ang kanilang programa kung saan nagpakitang gilas sila sa iba't-ibang klase ng akrobatik na paraan habang nakabitin sa pamamagitan ng mga tela mula sa dingding... Nakakabilib ang pagtatanghal, at libre itong pinalabas kaya't marami-rami rin ang mga nanood na bata't matatanda.

Isang tulay papuntang Sta Mesa ay madalas kong madaanan, nakalimutan ko iyong pangalan... napansin ko lang kasi na unti-unting nauubos iyong magkabilang mga metal railing sa gilid nito. Hindi ko alam kung sino nagtatanggal nito, wala na tuloy halos balakid/proteksiyon sa gilid ng tulay kung kaya't mas delikado na ito para sa mga naglalakad at motorista na maaring mahulog sa gilid.

Pansin ko lang... medyo mabagal ang pag-asikaso ng gubyerno, mga mambabatas, at ni GMA sa MV Solar 1 oil spill, at sa kontrobersiya sa nursing board exam... pero samantalang ang impeachment ay naibasura kaagad, at patuloy at walang patid ang kampanya para sa cha-cha... Idagdag mo pa itong si Gonzales na walang matinong magawa at nambabatikos pa ng UP at mga taga-UP na wala naman siyang kinalaman... Prayoridad lang naman iyan eh, tutukan sana ang mas mahalagang problema na mas nakakaapekto sa karamihan at hindi ang pamumulitika...

Tuesday, August 22, 2006

tedbits...

...ang galing talaga ng HBO, napapanood ko iyong mga pelikulang hindi ko napanood dati... tulad na lang ng The Punisher (okay lang, pero hindi siya kasing astig nung sa komiks) at Napoleon Dynamite (di ko maintindihan kung bakit naging hit ito sa America, ang labo naman ng istorya at humor)...

... ang galing talaga ng Team USA sa 2006 World Basketball Championship sa Japan... wala pa silang talo (3-0) tulad ng Argentina, Spain, at Italy... malamang sila-sila rin sa semifinals...

... sa mga resto na nakainan ko, wala talagang tatalo sa serbisyo at bait (at ka-kyutan ng mga babaeng server) ng mga taga-Outback Glorietta :)

Friday, August 18, 2006

kasal

Pumunta ako sa kasal ng kabigan/kaklase ko kanina sa Simbahan ng Mt. Carmel sa New Manila. Hindi ko puwedeng hindi siputin eh, kinuha akong abay (veil). :p Maganda iyong seremonya, simple lamang pero madamdamin. Malaki pala iyong simbahan at maganda rin. Ang salu-salo ay ginawa sa isang function room ng simbahan sa may likod lang nito, kaya napaka-convenient para sa mga nagsidalo. Maayos naman iyong programa habang kumakain, at iyong pagkain ay okay din naman. Masaya dumalo ng mga kasalang ganoon, walang hassle... :)

Nakapunta rin ako kamakailan sa Mall of Asia sa unang pagkakataon. Napakalaki ng lugar at nakakalula maglibot! Napakadali rin siguro mawala doon. Nakapunta ako ng Miyerkules at hindi masyadong maraming tao, di tulad daw pag weekend. Kumain kami sa Good Earth... maganda iyong lugar at masarap din iyong pagkain pero maliit lang iyong serving.

Thursday, August 10, 2006

Ant Bully


Ant Bully is a nice movie... not too hilarious, but with a relevant story and message for kids. :) Go to the website and check out "what type of ant are you?" I'm supposed to be a Painter Ant.

... hindi pala masarap yung McJelly na Strawberry Oreo, walang kalasa-lasa yung jelly at kakaunti yung ice cream...

Sunday, August 06, 2006

Idol

Philippine Idol na sa ABC5! Kanina ipinalabas ang auditions sa Cebu (noong nakraang linggo ay ang sa Manila naman) ng Philippine Idol. Nakakaaliw talaga panoorin ang auditions, parang iyong sa American Idol din na maraming pumupunta na hindi naman talaga kumakanta. :) May magagaling din naman na nakakapasok ng 2nd round. Mahusay ang pagkakapili nina Ryan Cayabyab, Pilita Coralles, at Francis Magalona bilang mg hurado... meron silang taglay na kredibilidad at nakakatuwa rin sila panoorin.

Isa pang Idol ay ang Black Eyed Peas! Ipinalabas kanina sa Ch2 iyong concert nila sa Manila. Ang galing nila at ang daming taong nanood! Sexy din ni Fergie. :p

Tuesday, August 01, 2006

tedbits...

may bagong album si Sarah G... "becoming"... pati Session Road may bago ring album... mukhang magaganda, pero saka na ako bibili... baka magkaroon ng promo tour eh, dun na lang ako bibili para mapa-autograph ko pa...:)

sale na naman ngayon sa Power Books... daming bagong magagandang libro... malaki-laki na rin ang matitipid mo sa 20% off eh...

celebrity sightings... kahapon nakita ko si Paolo Contis at Isabel Oli sa GB2... kanina naman si Niña Jose ng PBB Teen Edition sa GB3... maganda at matangkad si Niña...