Sunday, July 30, 2006

Podium

Nakapunta ako kanina sa Podium pagkaraan halos ng mahigit isang taon... ang galing nga mayroon silang paglalagayan ng plastic para sa bawa't basang payong (mahaba man o maiksi) para hindi magbasa sa loob ng mall. Hmmm... pakiramdam ko parang out-of-place ako sa Podium eh. Madalas ako sa Glorietta at Greenbelt pero iba and dating sa Podium. hehehe.
Masarap iyong chocolate cake ng Dome, tamang-tama iyong pagka-moist. Matamis nga lang talaga... :)

Friday, July 21, 2006

Nachooooooooooooooo....


Nacho Libre is a funny movie! It has a PG-13 rating because of the violence/ wrestling scenes, but it has a simple, interesting story. Watch it if you want to relax and have a few (if not several) laughs. :)

Wednesday, July 19, 2006

Pirates!


Pirates of the Carribean Dead Man's Chest ay palabas na at umaarangkada sa takilya! Maganda ang pelikula, lalo na ang mga costumes at special effects. Mahirap nga lang intindihin ang ibang dayalogo dahil puntong pirata ang kadalasang gamit. Ang kuwento ay medyo kumplikado, kung kaya't putol at bitin ang pelikula... ipagpapatuloy ito sa ikatlong yugto ng pelikula. Wala matinong pagtatapos ang yugto na ito (parang ala-Back to the Future II at III) at kailangang hintayin ang susunod na ang balita'y sa 2007 pa lalabas...

pahabol... Iyong Crispy Chops ng Jollibee ay lumalangoy sa mantika at medyo manipis lang. Para itong yung Crispy Bangus Belly sa lasa (malamang dahil sa parehong mantika sila niluto). Hindi siya sulit at nakakataba pa ng husto.

Wednesday, July 12, 2006

ulan

Ang lakas ng ulan kanina! Halos baha na sa lahat ng mga pangunahing daanan sa Maynila. Ang hirap kumuha ng masasakyan, nag-uunahan lahat sa mga puno at siksikan na bus at jeep. Mabuti na lang maagang pinauwi ang mga estudyante kanina kaya't nabawasan ang mga nagsisiuwian nung hapon. Ang dami ring nakabukas na payong na may iba't-ibang hugis at kulay na nakakatuwang tignan. Sa totoo lang masaya ako pag umuulan, medyo hassle lang pag nasa labas at kailangang bumiyahe. :)

Friday, July 07, 2006

*#$&%@"+*# na DBP yan! Kakaunti lang nga yung ATMs nila na nakakalat tapos hindi naman sila ma-access sa ATMs ng ibang bangko. Ang pinaka-nakakainis pa, ang malaki nilang (sariling gusali) sa Makati na may bangko sa unang palapag at dalawang ATM sa loob ay parehong OFF-LINE samantalang oras pa ng opisina! Kalokohan at katangahan talaga na hindi mo mapagana ang sarili mong makina sa loob ng sarili mong bangko sa sarili mong building na nasa isang distrito ng pangangalakal!

Sunday, July 02, 2006

Panalo!

Panalo si Manny Pacquiao! Panalo rin ang tatlo pang Pilipino sa mga undercard na laban sa Mano A Mano (Philippines vs. Mexico)! Galing talaga ng boksingerong Pinoy! Napansin niyo ba iyong suot ni Manny sa laban niya? Grabe yung sapatos, ang arte, parang may tassel. Tapos yung shorts niya, puro tatak ng kaniyang mga sponsor at akala mo parang kotseng pangkarera. Dadami na naman ang product endorsement ni Manny nito. Ika nga eh "money pakyaw"! :p Dadami rin na naman ang mga kabataang Pinoy na gustong maging boksingero. Mabuti naman at maganda ang pagkakatanggap ni Larios ng kaniyang pagkakatalo.

Nakasakay ako ulit sa LRT-2 kanina... panalo rin yung tren at mga istasyon nito sa linis at ganda kung ikukmpara sa LRT-1 at MRT. Sana maalagaan nang husto para hindi kaagad maluma o masira...

Isa pang panalo ay ang Shakey's V-League! Isa itong liga ng (women's) volleyball kung saan ang naglalaban-laban ay mga iba't-ibang kolehiyo sa Manila. Ito ang ikalawang season at kakatapos lang ng ikalawang conference. Napapanood ko ang mga laro sa ABC-5 at magagaling rin naman ang mga manlalaro. Nitong weekend nilaro ang finals, wala naman akong ginagawa kung kaya't naisipan kong manood sa Ateneo Blue Eagle Gym ng mga laro. Noong Sabado ginanap ang laban para sa ikatlong puwesto (Adamson kontra Lyceum) kung saan nanalo ang Adamson. Ginanap rin ang unang laro para sa kampeonato sa pagitan ng DLSU at SSC na pinanalunan naman ng DLSU sa tatlong sunud-sunod na set. Noong Linggo ay ipinamigay ang mga indibidwal na mga premyo tulad ng MVP. Nanalo ulit ang DLSU kung kaya't sila na ang kampeon.

Marami na ring mga nanood at sumusubaybay ng V-League, at naging mga fans ng mga manlalarong napapanood nila sa TV. Sa totoo lang pati nga ako napabilib sa koponan ng La Salle at talagang magaling sila. Sa 15 laban nila ay 3 beses lang silang natalo at itoý nung sa huling bahagi na ng conference at sigurado na silang pasok sa finals. Sa mga indibidwal na awards ay apat ang kanilang nakuha (pinakamagaling na receiver, attacker, setter, at most improved player). Kitang-kita sa preparasyon ng La Salle bago ang laro na sila ang mas disiplinado at mas beteranong koponan. Pati ang bench ng La Salle ay nananatiling nakatayo at nanagja-jog tuwing break para handa sila anumang oras para pumasok sa laro. Sa aktwal na laro naman ay ipinakita ng La Salle ang kanilang mahusay na depensa, at halos lahat ng kanilang manlalaro ay tumulong sa opensa(di tulad ng SSC na mangilan-ngilan lang ang inaasahan nilang gumawa ng puntos). Ito ang ikatlong sunud-sunod na kampeonato ng DLSU sa V-League. Sila rin ang kampeon sa UAAP nung nakaraang taon (sayang at hindi nila madedepensahan ang kanilang kampeonato sa taong ito dahil suspendido ang La Salle ng isang taon sa UAAP). Congratulations sa DLSU Women's Volleyball Team! Pagkatapos ng laro ay para silang mga artista sa dami ng lumapit sa kanila para magpa-autograph at magpakuha ng litrato. :)