Jogging
Nakapag-jogging ako ulit kanina pagkaraan ng ilang buwan! Saan pa, kundi sa UP Diliman?! :)
Noong umaga habang nakasakay ako sa bus papunta sa Diliman, may manok na tumitilaok sa loob ng sasakyan. Hehehe, sobrang nakakatawa yun. Mabilis din ang biyahe at halos 45 minuto lang inabot. Ang daming tao kanina sa Academic Oval. Mga mag-aaral ng UP Manila ang karamihan at nagkaroon yata sila ng aktibidades dun kaugnay ng kanilang PE.
Masarap mag-jogging sa Diliman. Maraming kang makikita at makakasabay na iba't-ibang tao. May kalinisan ang hangin kumpara sa ibang lugar. Dahil sa mga puno na nakapaligid sa daan ay hindi ka rin masyadong matututukan ng araw. Halos ang kabuuan ng daan ay sarado sa mga sasakyan kung kaya't mas ligtas tumakbo. May mga upuan sa paligid ng Oval na puwedeng mapagpahingaan kailan mang mapagod ka. Malapit ang kapilya kung nais mong magsimba pagkatapos mag-ehersisyo, at ang Shopping Center din kung ikaý nagutom. Kaya't bagaman may kalayuan ito sa lugar namin ay nagtitiyaga pa rin ako pumunta at sulit sa pasahe.
Karagdagang personal na dahilan ko rin ay naaalala ko ang buhay-kolehiyo ko nung panahong nasa UP Diliman ako. Paborito ko rin ang tapsilog sa Rodic's. Kanina ko rin lang napag-alaman, mas mura pala magpagupit dun (P60 lamang) kaysa sa mga barbeya sa mga malls.
Sana ay mapagpatuloy ko ang regulr na pagtakbo tuwing Linggo sa UP Diliman...
Pahabol... Nagbabalik ang mga bandang Siakol at Color It Red (Cookie Chua) at mayroon silang mga bagong album. Abangan niyo sila sa TV at radyo at pakinggan ang kanilang tunog.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home