wala lang...
whew! tagal na ako hindi nagsusulat dito... nagkasakit ako eh. tagal ko rin bago naka-recover. medyo paos pa nga ako eh... alam nyo bang feast day ni st. blaise kahapon. siya ang patron ng mga sakit sa lalamunan...
ang bagong kong pinagkakabalahan... LimeWire! :)
sa dami ng nababasa ko na graphic novels ang hirap na i-rate sila isa't-isa... babanggitin ko na lang iyong mga kapuna-puna... tulad ng JLA Year One at Flash & Green Lantern The Brave And The Bold! parehong maganda ang mga kuwento...
nanalo daw ako ng headphone? sa Music One...
tapos na yung koreanovela na Only You... medyo bitin yung pagtatapos pero masaya naman ang kinalabasan ng pagmamahalan ni TJ at Jillian... hehe :D yun namang Forbidden Love, hindi ko na masyado nasusundan. medyo hindi ko trip yung kuwento eh, at bagaman cute yung pangunahing aktres ay hindi siya ganoon kagaling umarte...
pumunta ako kamakailan sa Cavite City at may inasikaso... medyo malayo rin pala yun, nag-bus lang ako... yung City Hall nila nasa dulo ng katimugang hangganan ng Manila Bay, kaya nasa baybaying dagat siya... kahit papaano nakalanghap ako ng preskong hangin... pauwi naman, dumaan yung bus sa Kawit at nakita ko iyong lugar kung saan idineklara ang pagsasarili ng Pilipinas... galeng!
yun lang po... :p
0 Comments:
Post a Comment
<< Home