Tuesday, February 28, 2006

...

... nakapunta ako sa UP Diliman kanina pagkaraan ng ilang buwan. di na pala dumadaan ang mga sasakyan sa acad oval ngayon. nakaka-miss ang kolehiyo...
... kumain ako ng tapsilog sa Rodic's! :)
... ash wednesday bukas at simula na ng Lent.

Thursday, February 23, 2006

EDSA

There's a photo exhibit on the EDSA Revolution (and events leading to and resulting from it) at Glorietta until Feb 26. There are lots of pictures being shown, you might even get to see yourself if you've been there during those momentous events. There were pictures of Kris Aquino during Ninoy's funeral and she still looked angelic then. There's not enough captions or narratives though, so you'll have a tendency to just gloss over the pictures since they are so many.

Saturday, February 18, 2006

random thoughts...

... para sa akin, mas masarap at mas sulit yung green/garden salad ng Jollibee kaysa sa KFC. (burp)

... ang galing ng PBB Celeb! mas nakakaaliw sila kaysa sa unang PBB, mas nagpapakita sila ng ibat-ibang emosyon, at siyempre mas nakikita ang kanilang mga kakaibang talento. pati mommy ko nawiwili na sa panonood eh. :)

... isang malungkot na pangyayari :( kung nanonood kayo ng tv ay imposibleng hindi kayo maantig sa mga ipinapakitang eksena ng nagyaring pagguho ng bundok sa Katimugang Leyte. ang 1 libong ektaryang lawak na barangay ay natabunan ng 30-40 talampakan ng putik, at tinantantyang mahigit sa 1500 katao ang nalibing ng buhay. sa ngayon ay mahigit sa 50 bangkay pa lang ang nahuhukay. ang pag-asang may matagpuan pang buhay na biktima ay lumiliit habang tumatagal at tumitigas ang lupa, lalong nahihirapan ang mga tagapagligtas sa kanilang mga paghuhukay. bagaman maraming nagpapadala ng tulong mula sa iba't-ibang sektor at gubyerno, ang sakit na dulot ng pagkawala ng mga mahal sa buhay ng mga taga Leyte ay hindi kayang maibsan ng relief goods. ipagdasal natin ang mga namatay at mga nawalang ng mga kaanak sa trahedyang ito...

Tuesday, February 14, 2006

Feb 14

Happy Valentines! :)

Monday, February 06, 2006

PBB

Pinoy Big Brother Celebrity Edition has started! Roxy and Bianca... HOT! Two great reasons to watch PBB daily. :)

btw, Sketchbooks at Greenbelt 3 also sells a variety of Graphic Novels. I was surprised to find out that the JLA-Avengers book costs P3000+ at their store, compared to P5t at Comic Quest.

Saturday, February 04, 2006

wala lang...

whew! tagal na ako hindi nagsusulat dito... nagkasakit ako eh. tagal ko rin bago naka-recover. medyo paos pa nga ako eh... alam nyo bang feast day ni st. blaise kahapon. siya ang patron ng mga sakit sa lalamunan...

ang bagong kong pinagkakabalahan... LimeWire! :)

sa dami ng nababasa ko na graphic novels ang hirap na i-rate sila isa't-isa... babanggitin ko na lang iyong mga kapuna-puna... tulad ng JLA Year One at Flash & Green Lantern The Brave And The Bold! parehong maganda ang mga kuwento...

nanalo daw ako ng headphone? sa Music One...

tapos na yung koreanovela na Only You... medyo bitin yung pagtatapos pero masaya naman ang kinalabasan ng pagmamahalan ni TJ at Jillian... hehe :D yun namang Forbidden Love, hindi ko na masyado nasusundan. medyo hindi ko trip yung kuwento eh, at bagaman cute yung pangunahing aktres ay hindi siya ganoon kagaling umarte...

pumunta ako kamakailan sa Cavite City at may inasikaso... medyo malayo rin pala yun, nag-bus lang ako... yung City Hall nila nasa dulo ng katimugang hangganan ng Manila Bay, kaya nasa baybaying dagat siya... kahit papaano nakalanghap ako ng preskong hangin... pauwi naman, dumaan yung bus sa Kawit at nakita ko iyong lugar kung saan idineklara ang pagsasarili ng Pilipinas... galeng!

yun lang po... :p