tedbits...
...Nakapunta ako kamakailan sa bagong Terminal 3 o International Terminal ng NAIA. Ito na rin kasi ang ginagamit na terminal ng ilang mga domestic na biyahe. Malaki nga ang bagong terminal pero hindi pa lahat ng bahagi nito ay nakaayos na o ginagamit. Medyo nakakalito rin dito sa dami ng pasikut-sikot. Marahil ay gaganda pa at magiging mas epektibo at mahusay ang serbisyo dito pagkaraan ng ilang buwan...
...Natikman ko na rin sa wakas ang Hamdesal ng McDo. Masarap naman siya at halos pareho lang ng mga ibang pang-almusal na sandwich sa McDo sa bigat at lasa...
...Nakakapuyat talaga manood ng mga laro sa Olympics. Ang mga talagang pinanood ko ay ang mga laro sa basketball, gymnastics, at tennis. Bagaman gusto ko rin manood ng mga laro sa volleyball (beach at indoor) ay hindi ko kadalasan naabutan pag pianpalabas ito sa TV. Ang ilang mga laro tulad ng diving, badminton, at swimming ay ang iba ko pang napanood...
...Sa ika-28 ng Agosto magsisimula ang SALE ng National Bookstore...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home