Araw ng Kalayaan
Ngayon ay ang ika-110 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Republika ng Pilipinas! Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang mga Pilipino!
Dahil sa patakaran ni PGMA ay walang pasok noong ika-9 ng Hunyo at may pasok ngayong araw na ito. Ipinagdiwang pa rin naman ng maayos ang anibersaryong ito sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas at ng mga kababayan natin sa iba't-ibang panig ng buong mundo.
SALE din sa ilang mga tindahan sa mga mall. Ang SM (sa Makati) ay nagkaroon ng dagdag na 10% bawas sa mga presyo simula alas-kuwatro hanggang alas-nuwebe ng gabi para lamang sa mga empleyado ng gubyerno. Kailangan lang ipakita ang kaukulang I.D. Mabuti na lang at dala ko palagi ito at nakakuha ako ng karagdagang diskwento sa binili ko.
Habang naglilibot ay napadaan ako sa A Different Bookstore sa Glorietta 3. Aba, naiiba pala talaga ito! Ang isang librong hinahanap ko ay P385 sa kanila samantalang P325 lang ang parehong librong ito sa Power Books?! Halos 15% ang pagkakaiba ng presyo. Bagaman may 30% diskwento daw sila sa lahat ng libro bilang paghahanda sa paglilipat nila ay hindi na rin ako bumili. (Lilipat sila sa ikatlong palapag ng Glorietta 4.) Sa patuloy kong paglilibot ay nalaman ko ring mas mahal (ang isa pang librong nais kong bilhin) sa Sketchbooks sa Greenbelt 3 kaysa sa Power Books. Sale din sa Sketchbooks (20% bawas) pero malamang hihintayin ko na lang na mag-sale sa Power Books mismo para bilhin ang mga gusto kong libro.
Pauwi naman ay nasakay uli ako sa bus ng UNTV at nakalibre ng pamasahe. :-)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home