Wednesday, June 11, 2008

libreng sakay

Pauwi kanina mula sa Ayala ay nakasakay ako sa bus ng UNTV (channel 37 sa libreng TV, channel 19 sa Skycable at channel 99 sa Destiny) na libre. Kaya pala yung TV sa loob ay nakatutok sa UNTV, nung una ay nagtataka ako kung bakit iyon at hindi channel 2 o 7. Bilang paraan ng pag-promote nila sa kanilang istasyon (at katuwang ang ilang organisasyon) ay meron silang libreng sakay. Ito ay 2 beses sa isang araw, mula Lunes hanggang Biyernes, 5:30 ng umaga at ng gabi. May dalawa silang bus (isa ay biyaheng Monumento-Baclaran at ang isa ay Baclaran-Monumento) na sabay na bumabiyahe sa mga oras na iyon. Malaking tulong/tipid na rin kung matiyempuhan mo ang bus nila.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home