tradisyon
Malapit na naman ang pagpasok ng bagong taon...
Ang mga kinagawian at kinagisnan kong mga paghahanda sa bisperas ng bagong taon ay ang pagkakaroon ng mga bilog na prutas sa bahay (pampasuwerte), paglagay ng pera at pagbubukas ng mga pitaka (para pumasok at lumago ang pera), at pagbukas ng lahat ng ilaw sa bahay (para maging maliwanag at makulay ang bagong taon). Ang mga itoý ipagpapatuloy ko nitong darating na bisperas.
Ang mga bagay na hindi ko na ginagawa ay ang pagtalon pagsapit ng hatinggabi (wala na akong itatangkad pa), pagsuot ng polka dot na damit (hindi bagay sa akin), at ang pagpapaputok (ayoko madisgrasya/aksidente). :-p
Siyempre, hindi dapat makalimutan magbalik-tanaw sa nakaraang taon, gumawa ng mga resolusyon, at gumawa ng mga panibagong plano para`sa bagong taon.
Ilang oras na lang... nawaý maging mapayapa at masagana ang 2008 para sa ating lahat! :-)