Wednesday, January 09, 2008

U.P. Centennial



Nakapunta ako sa U.P. Centennial Kick-off sa Diliman ng Jan. 8. Papunta pa lang ako sa campus ang dami ko na nakakasabay na estudyante galing UP Manila. Binaba na kami ng jeep sa CP Garcia, sarado na kasi University Avenue dahil sa parada. Doon nagtipon-tipon ang mga kasali sa parada at dun din nagsimula. Lahat ng units may padalang kalahok (Diliman, Manila, Baguio, Los Banos, Mindanao, Visayas, Pampanga, at Open University).

Festive ang atmosphere! Mainit nga lang pero buti naman at hindi umulan. Ang daming tao! Karamihan estudyante, pero madami ring alumni. Nandun din ang media. Halos lahat may camera o celfone na may camera, at kumukuha ng mga litrato. (Ilang pics sa multiply ko )

Ang daming gimik! May mga banda, may ati-atihan dancers, may cheering squad, mga taga-Baguio na naka-ethnic, mga Vanguard na naka iba't-ibang military uniform, mga paputok, at mga aktibista/militante ay siyempre nakiparada rin. May helicopter pa nga na nagtatapon ng confetti. Mayroon ding mga skydivers na lumapag sa field malapit sa Admin. Pinakahuli sa parada ay ang Fine Arts. Parang Lantern Parade nga nung dulo eh. Nagbigay-pugay sila sa mga National Artists na nagtapos sa UP.

Highlight ng okasyon ay ang 100 torch bearers. Sinimulan ng isang 100 taong gulang na inhinyero na gradweyt nung 1930s. Tapos maraming íba pa na galing sa iba't-ibang UP units. Nandun ang ilang senador, mga dating UP Presidents, mga media personality, at mga BOR at iba pang UP officials. Pati si Goma torch bearer eh. Ang ika-100 ay si President Emerlinda Roman (kauna-unahang babaeng pangulo ng UP). Pagkasindi niya ng Centennial Torch ay siyempre nag-talumpati siya.

Pagkatapos nun, kinanta ang U.P. Naming Mahal! Siyempre ramdam ko rin yung moment at kumanta ako kasabay ang libong estudyante at alumni! Sumayaw at nag-cheer din ang UP Pep Squad pagkatapos. Da best!

Nadinig ko na rin tumugtog ang Carillon! Ayos din yun! Natural pagkatapos nun ay kumain ako ng Tapsilog at Jumbosilog sa Rodic's. Kaka-miss ding yung lasa ng Rodic's eh. May konsiyerto pa sa Ampitheater at fireworks nung gabi pero di ko na pinanood. Pagod na rin ako nun eh... pero buti na lang at nakilahok ako sa selebrasyong iyon. Minsan lang sa 100 taon nangyayari yun eh! :-)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home