Trahedya
Kaawa-awa naman ang mga naging biktima ng pambobomba sa Glorietta 2...
Madalas ako sa Glorietta. Naglilibot-libot ako dun bago ako umuwi. Iyong mismong Glorietta 2 nga ay napapadaan ako dahil may parang book sale sa lobby nun madalas eh. Tumitingin-tingin ako lagi dun ng mabibiling libro. Nung araw na naganap ang trahedya, balak ko talagang lumabas kaya lang tinamad ako umalis kaagad. Imbes na pumunta ako ng Glorietta ay naisip ko na lang manuod ng V-league.
Isang araw pagkatapos ng pangyayari ay dumaan ako ng Glorietta. Walng masyadong tao at naglagay sila ng kahoy na harang sa buong Glorietta 2. Maraming mga tindahan ay sarado pa rin. Nakita ko pa nga na naglilibot sa mall ang mga Ayala na may nga kasamang guwardiya at K-9 unit.
Naghigpit nga ng seguridad sa Maynila. Sumakay kasi akong LRT at mas matagal ang pila papasok dahil naging mas masusi ng kaunti (kahit papaano) ang mga guwardiya sa pagi-inspeksiyon. Ganun din sa Megamall. Dahil siguro sale sa Megamall, maraming tao pa rin na parang di inaalintana ang posibleng panganib.
Sana ay walang ng mangyaring mga pambobomabang ganun sa mga matataong lugar, o kahit saan man. Nadadamay lang ang mga inosenteng tao...
tedbits...
...sobrang sarap ng Camille Bloch (Swiss) Chocolat Mousse, kailangan ko lang na banggitin!
...sabi ni J. K. Rowling bading daw talaga si Dumbledore!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home